December 19 na.
Ito ay para sa mga masa. Sa lahat nawalan na ng pag asa. Sa lahat ng aking nakasama... Naalala niyo pa ba? Ilang taon na rin ang lumipas, mga kulay ng mundo ay kumupas, marami na rin ang pagbabago, di maiiwasan pagkat tayo ay mga tao lamang.
Mapapatawad mo ba ako kung hindi ko sinunod ang gusto mo?
I close my eyes. Open them up. Close them again. Open. Close. Open. Close.
Parang yung laro na nilalaro ko dati sa pangasinan. Step? No. Step? No. Uy pawis ka na! Pasok sa loob at maligo na. Malapit na maghapunan. Hala kumain ka at ang payat payat mo. Ubusin mo yang nasa pinggan mo. Madami ang nagugutom sa mundo. That's what my uncle used to say to me every time we ate. I remember vandalizing the wall with his name on it and some expletives. Funny.
Now i'm here. I just got back from the gym. One more set yes? Ten more pounds? Yes. Ten more minutes? Yes. Sprint? Yes. Swim? Yes.
Anong gusto mo sa christmas? Pupunta ako ng divisoria at makikipagsiksikan sa mga tao at maghahanap ng mga regalo sa laaaaaaaaahhhhhhat ng mga tao. Mahilig ako sa pasko. September pa lang, nakikinig na ako ng mga kantang pampasko. Iniisip ko na kung paano mag dedecorate ng bahay. Tuwang tuwa ako pag nakakakita ng fake snow frost sa mga bintana. Countdown to christmas ko nagsisimula sa 100.
I look at the calendar. What the freak? December 19 already? I look around my place, no christmas decors, no christmas gifts to wrap. I look out and see that i have been snowed in. I couldn't even get my car to back out because it is nearly buried in snow. The thing i have up in my calendar is this - that i am on call on december 24. And i don't feel christmas anymore. Not in this place where they have done away with the Christ part and made it a commercial. I could never understand why people stress out about what and how much their gift should be. Shouldn't it be about giving and not receipts and all that crap? I will not participate in that practice. No. One day, i'll smell christmas again. Konting tiis na lang.
Manong merry christmas! Yun ang sinasabi ko pag nasa pinas ako. They won't roll their eyes and say "what merry christmas with this economy? My retirement fund is gone!". Kung saan ako galing, at kung saan ako babalik, sasabihin nila "salamat, sa awa ng Diyos, buhay pa naman. Mabait ang Diyos. Merry Christmas din hija." At yan ang dahilan kung bakit gusto ko bumalik sa mga taong hindi gaanong nabiyayaan ng pera, ngunit nabiyayaan naman ng pananampalataya.
Eyes that sparkle. Heart that beats. Ears that hear. Hands that touch.
Gusto ko pumunta ng southmall. Gusto ko sumakay ng bus. Gusto ko sumakay ng tricycle. Ng jeep. Bumalik sa mga taong simple. I fear that the more i stay here, the more i get disillusioned with the human race. They say success is the real litmus test. Look what US did when they got successful, they decided they didn't need God. Ang puso nga naman. Hindi nito alam kung ano ang gusto.
Uwi ako sa may. Wala akong ibang gusto kung hindi alagaan ang mga aso ko. Bisitahin ang mga kapamilya at kaibigan. Kulang ata ang isang buwan. Lulunurin ko ang sarili ko sa fishballs at gulaman. AT pag iisipan ko ang hinaharap siguro. Kailangan ko kasing tumulong din sa pamilya ko. So kailangan asa amerika din ako.
The rough plan is this - get a hospitalist job for now, work only two weeks a month and spend at least a week or so in the philippines. Ayos jet setter. But that is a rough plan. Big J has been talking to me about plans and that is the prime consideration.
Na mimiss ko na ang init ng pilipinas. Sina jill, doring, majo, cito , at lahat lahat. Kahit na rin ang pamemerwisyo ng ilang tao. Ahhhh. Pag uwi ko, una kong gagawin ay sumakay sa motorsiklo ni kuya merit at kumain ng barbeque sa may pier at kumain ng halo halo sa halagang limang piso. Patatabain ko ang kapatid kong lalake at pakakainin ko siya sa galanteng restaurant. Kare kare. Baked tahong. Alimasag.
And i sit here with a wendy's burger meal. Pwede na. Malapit lapit na rin sa jollibee.
Gusto ko na makakita ng mga payat na tao. Ayoko na ng mataba!!!! Waaaaah. Di naman sa may masama sa mga mataba pero dios ko po ang dami dito triple sa laki. Doc why are my knees hurting? This is just a wild guess, maybe it's the one ton of weight they are carrying?
People! Stop eating like there's no tomorrow.
I swear there should be some sort of calorie limit for shoppers according to weight. I'm sorry sir you are seriously morbidly obese and you cannot buy more than 200 calories of food, otherwise we would have to hold you in prison. It's for your own good, if you eat anymore either you will float or you will explode.
Merry Christmas looney tunes.
2 comments:
waaaaaaaaaaahhhh!!!!
MABUHAY KA, kapatid! kita kits sa May.
at dahil isang liggo ka lang dito at pihado pagaagawan ka o di kaya ay marami ka ring katatagpuin... para naman walang pressure.. okay na sa akin 2am to 5am.
mas malaki ang chance ko makita ka dahil marami sa kanila tulog.
Mag sinangag express tayo! meron din ditong tindahan na tinatawag na Philippine Mountain Coffee sa Tiendesitas, ang da best.. Kesong Puti sa pandesal at mga kapeng pinoy na pagpipilian - malay balay, tagaytay baraco, kalinga gold, at kanlaon. meron ding chicharon na may kasamang laman tapos maanghang na suka.. aaahhh... kaya yan para may inaasam-asam ka pagbalik mo..
wahoo!!!
hihimatayin ka ba cito kung sasabihin ko sa iyo na isang buwan ako sa pinas? :)
pero oo, okay ang two am to five a.m.... sinangag express and all. sana nga ay pag agawan ako, pero kailangan siguro mag practice na ako ng autographs ano? love lots or take care cause i care siguro ang pinakageneric na pwede kong ilagay sa pic? Miss you a lot cito! The thought of coming home keeps me going. Super snow na dito, as much as i hate the snow,i love winter fashion... hehehe. See ya in may.
Post a Comment